Ipinapakita ng kasalukuyang Patakaran sa Pagkapribado ang paraan kung paano nangongolekta at nagpoproseso ang Immediate Edge ng mga Personal na Datos na ibinahagi ng mga gumagamit ng website sa amin. Kinokolekta at pinoproseso lang namin ang minimum na datos na kailangan para sa paggana ng aming website na ginagabayan ng aming lehitimong interes sa katuparan ng aming mga serbisyo, na may pagsa-alang-alang sa lahat ng naaangkop na batas sa pribasiya.
Malinaw at ganap na dinedetalye ng pahinang ito ang Patakaran sa Pagkapribado ng Immediate Edge. Dito, tinutukoy namin kung paano ginagamit ng Immediate Edge, bilang ang Kontroler ng Datos, ang iyong datos sa site para magbigay ng mas mahusay na karanasan para sa iyo at pabutihin ang kalidad ng aming mga serbisyo. Kapag hiniling ng batas, maaari naming gamitin o ibunyag ang iyong datos sa mga paraan na mas higit pang ipapaliwanag sa ibang pagkakataon sa Patakaran ng Pagkapribado na ito.
Mula sa Personal na Datos hanggang sa Kontroler ng Datos, maraming legal na terminong ginagamit sa Patakaran sa Pagkaprbado ng Immediate Edge na ito. Para sa mga layunin ng dokumentong ito, ang mga terminong ito ay uunawain ayon sa mga kahulugang nakasaad sa ibaba:
Kontroler ng Datos: Ito ang legal na itinalaga na tao o entidad na, solo o katuwang ng ibang mga tao o mga entidad, nagdedesisyon sa mga layunin para sa at pamamaraan ng pagkontrol at pagproseso sa Personal na Datos. Sa kasalukuyang pagkakataon, ang Immediate Edge ang Kontroler ng Datos.
Personal na Datos: Ito ang anumang impormasyong nauugnay sa isang taong legal na makilala, na nangangahulugang isang tao na maaaring direkta o hindi direktang makikilala sa pamamagitan ng paggamit ng natatanging nakakakilalang salik tulad ng pangalan, ID, address (parehong pisikal at IP), o iba pang mga pamantayan na nauugnay sa pisikal, mental, demograpiko, ekonomiko, kultural, panlipunan, o iba pang mga background ng isang tao. Maaaring kabilang sa Personal na Datos na ito ang mga bagay tulad ng mga pangalan, address, litrato, dokumento na inilabas ng gobyerno gaya ng mga pasaporte o lisensiya sa pagmamaneho, mga rekord sa pananalapi, mga sulatroniko, iba pang personal na mga sulat, kontrata, at marami pa. Ang depinisyon ng Personal na Datos ay ayon sa Art.4(1) ng GDPR, na siyang tumatalakay sa proteksyon ng mga Personal na Datos.
Pagpoproseso ng Personal na Datos: Ginagamit ito para masakop ang anumang operasyon o pagkakasunud-sunod ng mga operasyong pumapalibot sa Personal na Datos. Maaaring kasama rito ang koleksyon, pagtatala, pag-iimbak, pagsasaayos, pag-update, pagpapakalat, pagbabalik, pagsususog, pagbabago, pagsasama-sama, pagu-ugnay, pagharang, pagtanggal, at pagwasak ng Personal na Datos.
Kapag ginagamit ang Immediate Edge, makakaasa ka ng dalawang mga anyo ng personal na datos ang aming kinokolekta: Personally Identifiable Information (PII) at Non-Personally Identifiable Information (Non-PII). Kailangan ang impormasyong ito para sa paggana ng Immediate Edge at ang aming kakayahan na magbigay ng mga serbisyo sa iyo at maaari kang makolekta mula sa iyo sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
(a) Impormasyon na ibinibigay mo sa amin: Personal na Datos na ibinigay mo sa amin kapag humihiling ka ng impormasyon mula sa amin o kapag nagkokompleto ng mga form ng (kontak) sa aming website. Ang pagpuno sa anumang mga pormularyo ng website o ang pag-aaplay para sa aming mga serbisyo ay bumubuo sa inyong mga may-kabatiran, malayang-binibigay na pahintulot sa aming koleksiyon ng kaukulang Personal na Datos na ibinigay sa mga pormularyong iyon.
(b) Impormasyon tungkol sa paggamit mo sa aming website: Demograpiko, Pag-uugali, at iba pang mga istatistika tungkol sa paggamit mo ng aming website na natanggap namin mula sa Google Analytics at iba pang mga cookie. Ginagamit ang datos na ito kasama ng impormasyon tungkol sa iba pa naming mga gumagamit para kilalanin ang iba’t ibang pangkat ng konsyumer sa halip na mga indibidwal.
(c) Mga Korespondensiya: Kapag ikaw ay kumontak sa amin sa pamamagitan ng sulatroniko, mga form ng kontak, at iba pa, maaari naming itago ang tala ng aming pakikipag-usap sa iyo, o kumolekta ng iyong impormasyon sa kontak para makatugon kami sa iyong tanong. Gayunpaman, ang datos na walang kaugnayan sa katuparan ng iyong kahilingan o pangunahing paggana ng Immediate Edge ay hindi ipoproseso.
Ang Immediate Edge ay nangangailangan ng ilan sa iyong Personal na Datos para gumana gaya ng inaasahan at makapagbigay ng mga serbisyong inanunsiyo sa aming website, pati na rin para mas maintindihan ang pagganap ng aming website at magpabuti ng amin nilalaman. Sa kabuuan, may apat na pangunahing legal na dahilan kung bakit ang Immediate Edge bilang isang Kontroler ng Datos ay nagpapasya na iproseso ang iyong Personal na Datos, na naaayon sa lahat ng naaangkop na batas tungkol sa personal na koleksyon at pagpoproseso ng datos, at igalang ang mga karapatan ng user tungkol sa pagprotekta ng datos:
(a) Pagganap sa Kontrata: Ito ay kapag ang iyong Personal na Datos ay legal na kinakailangan para sa paglikha o paggawa ng bahagi ng isang legal na kontrata sa pagitan mo at ng Immediate Edge.
(b) Pahintulot: Kapag ibinigay mo na ang iyong Personal na Datos sa iba’t ibang kadahilanan nang may maliwanag, at may-kabatirang pahintulot.
(c) Legal na obligasyon: Kung saan ang paggamit ng iyong Personal na Datos ay kailangan para punan ang aming mga legal na obligasyon sa ilalim ng EU at iba pang mga naaangkop na batas sa pribasiya.
(d) Lehitimong interes: Ginagamit ng Immediate Edge ang iyong Personal na Datos para makamit ang lehitimong interes, at ang aming mga dahilan para sa paggawa nito ay natutukoy na higit na mas mahalaga kaysa sa kinikilalang mga karapatan sa pagprotekta sa datos, maliban sa mga pagkakataon kung saan ang mga kalayaan at karapatan ng paksa ng datos ay nahihigitan ang lehitimong mga interes ng Immediate Edge.
Tandaan na hindi nag-iimbak ang Immediate Edge ng datos ng gumagamit sa mga paga-ari nitong server, dahil hindi ito ang Prosesor ng Datos. Pagkatapos gumawa ng account ang isang gumagamit sa amin at magbigay ng kanilang hayagang pahintulot, ipapadala namin ang kanilang datos sa isa sa aming mga third party na kasosyo, na nagsisilbi bilang Prosesor ng Datos.
Ang lahat ng tanong at alalahanin tungkol sa pagproseso ng datos ay kailangang i-pamuhatan sa Prosesor ng Datos, sa kasong ito, ang third party na brokerage na itinalaga sa iyo pagkatapos ng pagpaparehistro sa Immediate Edge.
Gagamitin ng Kontroler ng Datos, ang (Immediate Edge), ang iyong Personal na Datos para sa mga sumusunod na kinakailangang hangarin:
(a) Para sa komunikasyon at pagpaparehistro: Saan ka man lumapit sa Immediate Edge, sa pamamagitan ng isang contact form o iba pa, gagamitin namin ang impormasyong ibinigay mo para tugunan ang iyong mga hiling at mga tanong. Lahat ng datos na ibibigay mo sa ganitong paraan ay ibinibigay nang hayagan at may-kabatirang pahintulot.
(b) Para sa mga promosyon ng Immediate Edge: Kapag ibinigay mo sa amin ang iyong pahintulot, ang Immediate Edge ay maaaring makipag-ugnayan sa iyo upang ibahagi sa iyo ang iba’t ibang nauugnay na mga pagkakataon sa anyo ng promosyonal na materyal, mga pagpapaunlad na marketing, o mahalagang mga balita tungkol sa Immediate Edge.
(c) Mga pagpapabuti sa seguridad at pagpapalakas sa karanasan ng gumagamit sa website ng Immediate Edge: Para palakasin ang aming seguridad at magbigay sa iyo ng mas mahusay na karanasan para sa gumagamit kapag ginagamit ang aming site, maaari naming gamitin ang iyong Personal na Datos habang may kaugnayan ito sa iyong paggamit ng aming website.
Malamang na naririnig mo na ang tungkol sa mga cookie noon pa. Hayaang ipaliwanag namin ng sandali kung paano gumagana ang mga ito. Sa simpleng sabi, ang cookie ay isang maliit na file ng teksto na ipinapadala sa device na ginagamit mo para ma-akses ang aming website, iyon man ay isang laptop, PC, o smartphone. Sa paggawa ng gayon, pinahihintulutan nito ang Immediate Edge na makilala ang device na iyong ginagamit bilang natatangi at kilalanin ka sa mga susunod na pagbalik sa aming pahina.
Ang dahilan kung bakit namin ginagamit ang mga cookie sa Immediate Edge ay para magbigay ng mas mahusay na karanasan sa gumagamit at para payagan ang website na gumana nang mahusay. Kung gusto mong magtanggal ng mga cookie, magagawa mo ito sa pamamagitan ng mga setting sa iyong browser. Gayunman, dapat mong mabatid na ito ay maaaring negatibong makakaapekto sa iyong karanasan sa paggamit ng website. Sa ilang kaso, maaari nitong hindi mapagana ang website.
Ginagamit namin ang mga sumusunod na uri ng cookie sa Immediate Edge:
(a) Mga functional na cookie: Ang mga pinakakaraniwang ginagamit na cookie na malamang na makatagpo mo, ang mga functional na cookie ay mahalaga sa isang website para gumana ayon sa inaasahan. Kung hindi gagamitin ang mga ito, ang maayos na paggana ng isang website ay malubhang maaapektuhan at ang ilang mga serbisyo ay maaaring hindi magagamit.
(b) Google Analytics: Nagbibigay-daan ang software na ito sa mga web admin na magkaroon ng mahahalagang kaalaman sa trapiko ng kanilang website at mapahusay ang pangkalahatang karanasan ng gumagamit. Ang Immediate Edge ay may isang may-bisang kasunduan sa Google na nangangahulugang hindi makikita o magagamit ng Google ang anuman sa mga datos na nakolekta sa mga cookie na ito para sa sarili nitong mga layunin.
(c) Mga Third Party na cookie: Ang anyo ng online cookie na ito ay inilagay sa aming site ng third party na mga broker, kadalasan ay sa pamamagitan ng mga affiliate link.
Kung gusto mong palitan ang iyong mga kagustuhan sa cookie, nagtipon kami ng listahan ng mga pahina na magagamit mo para gawin ito base sa mga pinakamalaganap na ginagamit na mga browser sa buong mundo.
Para sa Chrome web browser, mangyaring bisitahin ang pahinang ito mula sa Google: https://support.google.com/accounts/answer/32050.
Para sa web browser ng Internet Explorer o Edge, mangyaring bisitahin ang pahinang ito mula sa Microsoft: https://support.microsoft.com/kb/278835.
Para sa web browser ng Firefox, mangyari bisitahin ang pahinang ito mula sa Mozilla: https://support.mozilla.org/en-US/kb/delete-cookies-remove-info-websites-store.
Para sa web browser ng Safari, mangyaring bisitahin ang pahinang ito mula sa Apple: https://support.apple.com/guide/safari/manage-cookies-and-website-data-sfri11471/mac.
Pakibisita ang opisyal na mga web page ng iyong web browser para sa anumang iba pang web browser.
Kapag ginagamit ang aming site, tanging ang nakalantad na minimum na datos na kailangan para sa tamang paggana ng Immediate Edge ang kinokolekta. Hindi kami nag-iimbak ng anumang nakolektang personal na datos sa aming mga server.
Hindi hawak ng Immediate Edge ang iyong Personal na Datos. Ngunit kung minsan, maaari kaming makipag-ugnayan sa mga third party na service provider na siyang magpoproseso ng iyong Personal na Datos sa aming kahilingan. Sakop ito ng mga kasunduan sa pagproseso ng datos, at hindi ibabahagi ang iyong Personal na Datos nang wala ang iyong pahintulot at kahilingan ng Immediate Edge.
Ang mga third party kung saan ipapadala namin ang iyong datos ay mga third party na financial broker na sumusunod sa GDPR at iba pang mga naaangkop na batas sa pribasiya. Wala sa iyong personal na datos ang ibabahagi sa kanila nang hindi mo ibinibigay ang iyong hayagang pahintulot.
Para sa iyong sariling kapakinabangan, iminumungkahi na maingat mong basahin ang sariling Patakaran sa Pagkapribado ng nakaatas na broker sa iyo upang malaman kung paano sila nangongolekta at nagpoproseso ng datos ng gumagamit.
Isinagawa ng Immediate Edge ang angkop na mga pagsisikap sa kaligtasan upang pangalagaan ang personal na impormasyon ng mga kliyente nito. Iba-iba ang proteksiyong ito batay sa uri at dami ng Personal na Datos na tinutukoy. Ang akses sa iyong Personal na Datos ay limitado at nakalantad lamang sa minimum na staff na nangangailangan ng datos para sa pangunahing mga layunin, tulad ng pagtitiyak na ang mga serbisyong iyong hinihiling mula sa Immediate Edge ay maaaring matupad. Lahat ng aming mga empleyado ay nakatali sa mahigpit na mga kasunduan sa pagiging kompidensyal at hindi namin ibubunyag ang iyong mga datos nang walang pahintulot mo.
Kung lehitimong nakatalaga ang Immediate Edge sa pagbubunyag ng Personal na Datos, mapa-tagapagpatupad ng batas o katulad nito, ang naturingang kontroler ng datos ay kailangan para sumunod. Dapat naming ipaalam sa gumagamit at makuha ang kanilang pahintulot kapag ang third party ay humihiling ng akses sa kanilang personal na datos para sa lehitimong mga kadahilanan. Patuloy na susuriin ng Immediate Edge ang mga kahilingan ng gayong mga lupon upang matuklasan kung ang paglalantad ay isang lehitimong kahilingan at maglalabas lamang ng sapat na Personal na Datos na mahalaga sa pagtupad ng aming legal na mga pangangailangan.
Kasama sa iba pang mga partido na maaaring may akses sa iyong Personal na Datos ay ang mga Prosesor ng Datos na kailangan ng Immediate Edge para gumana. Bukod sa mga third-party broker na kinokonektahan namin ng aming mga customer, ang aming hosting company ay may legal na batayan para kunin ang ilan sa datos ng aming mga user bilang isang teknikal na pangangailangan para sa pag-aayos ng aming website. Anumang pagbabahagi ng Personal na Datos sa mga third party ay ginagawa ayon sa lahat ng naaangkop na batas sa pribasiya, na may pahintulot, at hindi nilalabag ang mga karapatan at kalayaan ng mga customer.
Hinahawakan ng Immediate Edge ang iyong Personal na Datos nang hindi hihigit sa sa kinakailangan para layunin kung bakit ito nakuha. Gayunpaman, hindi kami mananagot sa impormasyong ibinabahagi sa mga forum na nasa internet o sa mga third party.
Pagdating sa iyong Personal na Datos, mayroon kang malawak na mga karapatang ipinagkaloob ng GDPR at iba pang kaugnay na mga batas sa pribasiya at pagprotekta sa datos. Ito ay nakadetalye sa ibaba:
(a) Akses ng paksa: May karapatan kang mag-akses ng alinman sa iyong personal na datos sa ilalim ng kontrol ng Immediate Edge.
(b) Pagwawasto: Maaari mong hilingin na baguhin ang iyong personal na datos kung sakaling ito ay mali.
(c) Pagtanggal: Kung hihilingin, maaari mong hingin sa Immediate Edge na alisin ang lahat ng iyong personal na datos sa ilalim ng mga partikular na pagkakataon. Kung ito ay sinang-ayunan, ang Immediate Edge ay lalapit sa mga third party na kontroler ng datos at mga tagaproseso na maaaring mayroong mga kopya ng iyong datos at ipagbigay-alam sa kanila ng iyong hiling.
(d) Portability: maaari mong hilingin sa Immediate Edge na ilipat ang iyong Personal na Datos sa isang third party ng iyong napili.
(e) Maghain ng reklamo: Maaari kang maghain ng isyu o reklamo tungkol sa paggamit namin ng iyong Personal na Datos sa anumang kaukulang lupon ng regulasyon sa inyong bansang tinitirhan. Sa paggawa nito, kakailanganin mong sumangguni sa kaugnay na lokal na mga batas sa proteksiyon ng datos.
(f) Paghihigpit: karapatan mong hilingin na paghigpitan ng Kontroler ng Datos ang akses at pagproseso sa iyong datos sa ilang pagkakataon, gaya sa panahon ng pormal na pagtatalo pagkatapos maghain ng reklamo.
Karagdagan pa, may karapatan din ang mga gumagamit ng Immediate Edge na gawin ang sumusunod:
Ang Immediate Edge ay nagbibigay ng karapatan na mag-adjust, magsusog, o magpalit ng lahat ng nilalaman sa (mga) website nito, kasama ang Patakaran sa Pagkapribado na ito, ng walang paunang abiso sa gumagamit. Ang lahat ng pagbabagong ginawa ay agad na eepekto kapag nailathala na ang mga ito sa aming website. Kailangang gawin ng kliyente ang kanilang karampatang sipag at manatiling nakakaalam tungkol sa anumang mga pagbabago sa nilalaman sa Immediate Edge at lahat ng mga subpage nito. Kung patuloy mong gagamitin ang aming website, kami ay may pagkaunawa ng iyong pagpapahintulot sa mga pagbabagong ginawa.
Kung mayroon kang anumang mga tanong tungkol sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, huwag mag-atubiling kontakin kami sa pamamagitan ng kaukulang form o sulatroniko.